Team Standings
Petron 7-0
F2 Logistics 6-1
Cocolife 4-3
*Sta. Lucia 3-3
*Foton 2-4
Cignal 3-4
Generika-Ayala 2-5
Smart 0-7

Itinakas ni Darlene Ramdin ang Generika-Ayala, kumayod ng 23 attacks, dalawang blocks at isang service ace upang pagpagin ang Cignal, 26-24, 18-25, 16-25, 25-22, 15-11 kagabi sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Nalagay sa alanganin ang Lifesavers matapos ang 1-2 set down, pero umentra sa hatawan si Trinidad and Tobago import Ramdin para kumana ng mga krusyal na puntos sa fourth at fifth set.

Nakapagtala ng dalawang panalo sa pitong laro ang Generika-Ayala sa first round sa event na suportado ng Senoh, Mikasa, Asics, LGR at Grand Sport bilang technical sponsors.

Nirehistro ni Ramdin ang 26 points habang ang kapwa import na si Symone Hayden ay may 16 markers para sa Lifesavers na nakatikim muna ng apat na sunod na talo bago nakasikwat ng panalo.

“Darlene is a fighter, ibinibigay niya lahat kahit may nararamdaman siyang sakit,” bulalas ni Generika-Ayala head coach Sherwin Me­neses. “Sabi ko sa kanila huwag kaming mag-commit ng unforced errors at improve ang aming service-receive. Fortunately, our first ball worked that’s why our set plays became a little unpredictable in the fifth set.”

Hindi pa malalaman kung saan grupo malalagay ang Lifesavers dahil naglalaban pa ang Foton at Sta. Lucia habang tinitipa ang istoryang ito.

Base sa league format, ang top team na undefeated Petron ay makakalaban ang third, sixth at eighth ranked teams sa Pool A habang ang second seed na defending champion F2 Logistics ay makikipagkaldagan sa fourth, fifth at seventh ranked squads sa Pool B sa susunod na round. (Elech Dawa)