Ramirez: ID sa 20% discount kailangan

Mahirap pa rin ang galawan dahil quarantine sa period, kaya mag-iisyu ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William “Butch” Ramirez ng ID at isang booklet para sa mga national athlete at coach upang magkaroon ng discount sa mga bibilhin.

Epektibo na ang 20% discount para sa mga atleta at coach sa mga pagbili ng mga pagkain, gamot, recreation centers, hotels, lodging establishments at sports equipment purchases.

Nakasaad ang diskuwento sa RA 10699 na ipinalabas ng BIR sa Revenue Regulation 13-2020.

Kasabay nito, siniguro ni Ramirez na babalik sa dati ang monthly allowances ng mga atleta at coach kapag natapos ang lockdown na dulot ng Covid-19 pandemic.

“This is a hard decision to make, but one that needed to be done so we can continue caring for our athletes longer,” pahayag ng sports chief kamakalawa sa pagtapyas sa allowances.

Kakaltasan ng 50 porsiyento ang monthly allowances ng national athletes at coaches base sa napagkasunduan ng PSC board noong Biyernes dahil sa kinakaharap na health crisis ng gobyerno at maging ng buong mundo. (Elech Dawa)