Manunumpa kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez ang mga opisyales ng bagong organisang Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa simpleng seremonya sa PSC Administration Bldg., Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Inaasahang dadalo sina PSC commissioners Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey, Arnold Agustin at Fatima Celia Kiram.

Ang mga itatalaga sa kanilang tungkulin ay sina Ed Andaya ng People’s Tonight (president), Dennis Eroa ng Inquirer Group (vice president-Internal), Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon (VP-external), Edwin Rollon ng Balita (secretary); Nympha Miano-Ang ng Bulgar (treasurer) at Mae Balbuena ng Pang-Masa (auditor).

Kasama rin sina Fred Nasiad ng Bandera; Enjel Manato ng Abante/Abante TONITE, Jeff Venancio ng Police Files Tonite, Clyde Mariano ng Pilipino Mirror; Rico Navarro ng Remate, Jesse Ong ng Market Monitor at Danny Simon ng H.O.Y bilang mga director.

Sasamahan ang grupo ni dating Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at Philippine Karatedo president at TOPS adviser Go Teng Kok.

Umaasa ang asosasyon na makapag-ambag sa local sports development sa pamamagitan ng responsableng pag-uulat at analysis sa nagbabagong sports environment.

Hangad din ng TOPS na makipagbalikatan sa mga establisado nang grupo gaya ng National Press Club (NPC) at Philippine Sportswriters Association (PSA), sa pag-promote at pagmantina ng mataas na lebel ng pamamahayag sa larangan.