Balik ang Philippine Sports Commission sa Northern Mindanao halos 2 taon pagkaraan ng giyera sa Marawi City sa pagsasagawa ngayon ng Children’s Game 2018 sa Mindanao State University, Lanao del Sur.

Mahigit sa 500 mga kabataang mula sa mga komunidad ng Muslim, indigenous at Christian sa lungsod ang nakatakdang bumahagi sa sports clinic at fun games na misyong mapalaganap ang kapayapaan at pagkakaisa sa siyudad na nawasak ng digmaan noong isang taon.

“It was 19 months ago since the PSC first held its Children’s Games in Iligan City, at the time when Marawi City was under siege,” malungkot na pahayag ni PSC Chairman William Ramirez. “And now, launching the Children’s Games today inside the city to use sports for peace and unity is such a meaningful moment for the agency.”

Ang mga ituturo sa mga bata ay ang basketball, volleyball, football, badminton at table tennis sa MSU-Sports Complex, Track Oval and Gymnasium, kasama ang pang 5 Filipino fun game.