“Give your best for the country!”

Ito ang mensahe ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez para maengganyo ang mga pambansang atleta na maghangad sa tagumpay habang ipinangako ng ahensiya ang pagsuporta sa nais na makamit na overall championship sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games 2019.

“We at the PSC are very happy that we are hosting this year’s SEA Games,” paliwanag ni Ramirez hinggil sa patuloy na agam-agam na hindi matutuloy ang multi-sport meet na susulong sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa Manila, Subic at Clark.

“We are working very hard to support you in terms of sports equipment, your needs, your medicine, your meals and foreign training,” dagdag ni Ramirez sa pagbibigay suporta sa mga national athlete.

Ipinaliwanag niya, na nakapaglabas na ang PSC ng P6.2M bilang financial assistance para pondohan ang pagsasanay ng mga atleta sa labas ng bansa sa unang tatlong buwan pa lamang.

Nito lamang buwan ng Marso, binuksan ng PSC ang dalawang Nutrition Halls, tig-isa sa Rizal Memorial Sports Complex at PhilSports Complex. (Lito Oredo)