‘Ramon’ hindi pa nakakalabas ng PAR, bagong LPA namataan

Bagyong Hanna magpapatindi ng habagat

Hindi pa man nakalalabas ng Philippine Area of Responsiblity (PAR) ang bagyong ‘Ramon’, isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan ng Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng bansa.

Ang nasabing LPA ay huling namataan sa layong 2,420 kilometers silangang bahagi ng Visayas at posibleng pumasok ng bansa ang sa Martes, Nobyembre 19.

Samantala, inaasahang ngayong Lunes o Martes pa nang umaga inaasahang maglalandfall ang bagyong ‘Ramon’ sa Cagayan.

Batay sa pinakahu­ling ulat ni Pagasa weather forecaster Anna Clauren, dahil ito sa mabagal na paggalaw ng bagyo na huling namataan 285 km sila­ngan hilagang silangan ng Casiguran Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging 65 km/hr at pagbugsong 80 km/hr.

Nakataas ang signal number 1 sa Cagayan kasama ang Babuyan Island, Apayao, Isabela at hilagang bahagi ng Aurora, kasama ang Dilasag, Casiguran at Dinalungan. (Dolly B. Cabreza)