Sa pag-alis ng ilang star tulad nina Mike at Matt Nieto, Isaac Go at Thirdy Ravena, isa pang magkapatid ang aabangan sa poder ng Ateneo.
Sa Philippine Collegiate Champions League NCAA-UAAP Challenge quarterfinals Linggo naglaro nang magkasama sina Eli at Dwight Ramos, na dalawa sa star recruit ng Ateneo noon pang 2019, ngunit ngayon lang makapaglalaro sa koponan.
Si Dwight ang mas kilala sa magkapatid, nakasama na sa Gilas Pilipinas 23 for 2023, na bago lumipat sa Ateneo ay naglaro muna ng dalawang taon sa Division I School na Cal State Fullerton.
Ang kapatid naman niyang si Eli ay fresh out of high school at isa sa mga sinandigan ng Walnut High School sa average na 17.7 point, 6.5 rebound at 2.5 steal.
Puwede na sanang maglaro si Eli noong nakaraang season, ngunit mas piniling hintayin na ang kapatid para sabay na pumasok sa UAAP Season 83.
Sa ikalawang laro ng Ateneo sa PCCL kontra UST Growling Tigers sumabak na sa aksiyon nang parehong nasa roster ang dalawa, tumapos ng eight point si Dwight, at four marker naman kay Eli, ngunit may mga bumilib na rin sa pinamalas ng dalawa sa court.
Ang malaking rebelasyon ngayon ay si SJ Belangel, na nagsisilbing leader ng Ateneo buhat nang mawala ang mga dating veteran na sina Thirdy at mag-utol na Nieto.
Sa kanilang 82-71 win kontra UST, anim na tres ang kinonekta ng third year guard, 26 point ang inambag para pangunahan ang Ateneo.
Samantala, nasandigan pa rin ng Ateneo ang Ivorian center na posibleng maging sunod na Gilas naturalized player na si Ange Koaume sa kanyang 15 point, 13 rebound at five block performance.
Nanguna naman para sa USTe sina Deo Cuajao at Rhenz Abando, kapwa may tig-14 na puntos. (Raymark Patriarca)