Randy, Raymart, Edu, nagbunyi sa pagkapanalo ng Green Archers

Randy Santiago

NAGBUNYI ang mga La Sallista sa pagkaka­panalo ng Green Archers sa UAAP Championship.

Sa mga taga-showbiz, nandoon at nakipagbunyi sa Finals MVP na si Jeron Teng sina ­Randy at Raymart ­Santiago, Edu Manzano at Ervic ­Vijandre.

***

Nakakatawa ang pagli-­link kay ­Marlo Mortel kay ­Morisette ­habang si Janella ­Salvador ang kasama niya sa pelikulang Mano Po 7: Chinoy.

Mas malambot pa kay Morisette si Marlo at ang bonding daw nila ay pagbabadminton.

‘Yan din ang sport ni Papa P, ha? Friends lang daw talaga sila.

At naniniwala naman kami.

***

Pumalo  sa pinakama­taas nitong national TV rating noong Martes (December 6) ang ABS-CBN primetime teleserye na Magpahanggang Wakas kung saan namatay ang hitad na si Jenna (Gelli de Belen).

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang serye ng 28% ­nationwide kumpara sa kalaban na nakakuha ng 20%.

Tinutukan ng sambayanan ang paghaharap nina Simon (Cris ­Villanueva) at Jenna na nauwi sa trahedya.

Sa kasamaang palad, makikita si Aryann (Arci Muñoz) sa pinangyarihan ng krimen kaya napagbintangan ito sa salang pagpatay.

Ano ang mangyayari sa paghaharap nina ­Aryann at Tristan (John Estrada) sa korte?

***

Dalawang dating GMA Artists ang pumirma ng recoding contract sa Star Records — ang Queen of Soul na si Jaya at ang R&B Royalty na si Kyla.

Sayang at hindi sila naalagaan nang ­maayos sa GMA noong nandoon pa sila.

Ngayon, inaabangan na ang kanilang mga bagong album.

***

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Nagsimula na ang Megastar Sharon ­Cuneta sa kanyang album sa Star Records.

Matagal nang nagpa­planong magbalik-­recording si Mega, ­simula pa noong nasa Viva ulit siya.

Nagpapasalamat si Shawie at nawala ang sakit niya at nasimulan na ang pagbabalik­-recording niya.

Solenn ‘easy girl’ sa paningin ng nakararami

Isang liberated na babae ang gagam­panan ni Solenn ­Heussaff sa episode ng ­Karelasyon

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

bukas, pagkatapos ng #LIKE sa GMA 7.

Matagal ­nanatili sa ibang bansa si Chantal (Solenn) at dahil independent at mahilig sa kasiyahan.

Marami ang nag-iisip na isa siyang “easy girl.”

Ngunit ang totoo, true love ang kanyang hinahanap at may pagtingin pa siya sa kanyang ex-boyfriend na si Tristan (Ahron Villena).

Mainit ang isyu sa episode na ito!