Randy, sobrang depensa sa pagsusuplado ni Raymart

Raymart-Santiago

PAGKATAPOS ng TAWAG NG TANGHALAN grand finals mamaya sa It’s Showtime ng ABS-CBN, ang TAWAG NG TANGHALAN KIDS naman ang isasalang nila.

Gagawin na rin nilang segment ang STAR CIRCLE QUEST kung saan sumikat si Sandara Park kahit ang big winner noon ay si Hero Angeles.

Dahil sa TAWAG NG TANGHALAN segment nila, sumipa sa ratings ang It’s Showtime na noon ay sobrang naagrabyado sa AlDub loveteam ng kata­pat nilang Eat Bulaga.

Ano kaya ang gagawin ng Eat Bulaga sa mga bagong segment ng katapat nilang noontime show?

***

Wala na ang A1 Ko Sa’yo sitcom ng GMA 7, pero nasa Kapuso network pa rin si Randy Santiago bilang ­direktor ng Wowowin ni Willie ­Revillame.

Magkaibigang ­matalik sina Direk Randy at ­Willie, kaya enjoy ang singer/director/actor sa pagtatrabaho sa nasabing afternoon variety game show na co-produced ni Willie at ng GMA 7.

Raymart-Santiago
Raymart Santiago

Tatlong beses sa isang linggo kung mag-taping sila, kaya hindi masyadong pagod si Randy sa Wowowin.

Kamakailan, nagpunta rin sila sa Dubai, ­United Arab Emirates para mag-show roon ang Wowowin at nakapag-bonding sila ni Willie.

Nakakaaliw si Randy dahil nang sabihan ng entertainment press sa isang birthday party na pinuntahan niya na kakaiba ang kanyang PR ­kumpara kay Raymart Santiago, sobrang depensa siya sa nakababatang kapatid.

Hindi raw totoong suplado si Raymart at namemersonal sa entertainment press na alam nitong malapit sa estranged wife na si Claudine Barretto.

Well…

***

Magkakasama sina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa Mulawin vs. Ravena ng GMA 7.

“Reunion” project ito ng mga bida sa My Husband’s Lover.

Habang wala pa ang Mulawin vs. Ravena, matutuwa ang fans ­nina Carla & Tom dahil mapapanood mamayang ­gabi ang mag-sweethearts sa Full House Tonight ­hosted by Regine Velasquez-Alcasid.

Game na game raw ­sina Carla & Tom sa pakikipag-joke sa cast ng ­programa.

***

Dahil one-shot deal lang ang travelogue special na Trip Ni Kris sa Sunday Night Box-­Office (SNBO) ng GMA 7 at prodyus daw ng blocktimer na si Ms. ­Rhodora Morales, may tsikang may meeting next week si Kris sa Kapuso network people.

Ayaw daw ni Kris na i-preempt ang tungkol sa meeting na ‘yon, kaya quiet siya tungkol doon.

Talaga?!