Tigok ang isang rape-slay suspect matapos mang-agaw ng baril at paputukan ang sarili sa loob mismo ng compound ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Camp Crame kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Larry Herrera, 50, akusado sa pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa 8-anyos na si Christine Claire Medina, sa Jaen, Nueva Ecija noong Hulyo 19.
Ayon kay Supt. Arthur Masungson, OIC ng Luzon Field Office ng PNP-AKG, pabalik na ng kanilang opisina si Herrera galing sa inquest proceedings sa DOJ bago mag-alas-nuwebe ng gabi at habang naglalakad ay inagawan nito ng baril si SPO1 Eric Farafina at saka ipinutok sa sariling ulo.
Isinailalim naman sa paraffin test ang pulis escort ni Herrera upang malaman kung may foul play sa nasabing insidente.