Rape suspect tumalon sa ilog para makatakas

Isang 25-anyos na ginawang sex slave ang isang 13-anyos na babae ang nadakip sa follow-up operation makaraang tumalon ito sa ilog at umarkila ng bangka matapos mahuli sa aktong ginagahasa ang isang paslit sa Barangay Tibaguin, Hagonoy, Bulacan kamakalawa.

Sa report kay Police Col. Emma M. Libunao, Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Daniel Caton y Delos Reyes, 25, taga-Hagonoy na nakapiit ngayon matapos maaktuhang ginagahasa ang kapitbahay na si Gel, ‘di tunay na pangalan.

Nabuking ang panggagahasa ng suspek nang mahuli ito sa akto ng ate ng biktima habang inaabuso ang ka­patid sa loob ng kanilang bahay kamakalawa.
Para makatakas ay tumalon ito sa ilog at umarkila ng bangka.

Dito na umamin si Gel sa kanyang ate na sinimulan siyang abusuhin ng suspek noong Mayo 2018 at hindi makapagsumbong ang biktima dahil sa pagbabanta ng suspek na papatayin ang kanilang magulang.

Sa follow-up ope­ration nakorner ang suspek sa Brgy. San Roque matapos itong tumakas lulan ng inar­kilang bangka. (Jun ­Borlongan)