Susulong ang Woodpusher’s Society “Tulak mo Sulong ko” 2-in-1 Rapid at Blitz Team Tournament ngayong Linggo, April 30, sa JPL Hall ng Lyceum of the Philippines sa Intramuros.

Ilalarga muna ang Blitz Team Tournament sa 10 a.m. bago ang Rapid Team event ng 1 p.m. Matatapos ang parehistro sa 9:30 a.m. sa venue ng laro.

May entry fee na P3,000 para sa ­dalawang kategorya na ang ave­ rage rating ay 2050 pababa.

Nakalaan ang P30,000 sa magkakampeon sa Rapid, P10,000 ang ibubulsa ng mananalo sa Blitz.

Maagang nagpatala ang mga Pirates woodpushers, may team A, B at High School team ang LPU pero pihadong markado ang GM Darwin Laylo Chess team.

Kasali rin ang matitikas na players mula sa UAAP at NCAA.

Ang ibang maagang nagpatala ay PNP Chess Team A, Tokhang-­Reload Team at San ­Sebastian College Team at Golden Staglets Team.