Rapinoe, Lavelle, US sinipa ang World Cup

Rapinoe, Lavelle, US sinipa ang World Cup

Itinaas ng United States ang record na pang-apat na Women’s World Cup crown at pangalawang sunod nang bokyain ang Netherlands 2-0 sa Lyon, France Linggo nang gabi.

Pinasok ni Megan Rapinoe ang tie-brea-king penalty kick sa 61st minute, makalipas ang walong minuto at ibinaon ni Rose Lavelle ang pangalawang goal ng Americans.

Sinikwat ni Rapinoe ang Golden Ball bilang top football player, at ang Golden Boot bilang top scorer.

Naikasa ang penalty kick ni Rapinoe tapos ng video review nang madetermina na may foul si Stefanie van der Gragt nang masipa sa balikat si Alex Morgan.

Katatapos lang ang 34th birthday noong Biyernes, pinalagpas ni Rapinoe ang bola kay Sari van Veenendaal para ilista ang pang-anim na goal niya sa torneo. Na-ging oldest player siyang umiskor sa Women’s World Cup final.

Dinagdag ni Lavelle, sa 24 na nahuhubog na susunod na star ng team, ang pangatlo niyang goal sa tournament – ang 18-yard left-footed shot matapos ang solo run mula center circle.

Buong torneo ay ‘di naghabol ang US, naghulma ng records na 26 goals at 12-game World Cup winning streak mula 2015. Unang coach si Jill Ellis na naggiya sa isang team sa dalawang Women’s World Cup titles, repeat champions na rin ang US tulad ng Germany noong 2003 at 2007. Germany lang din ang tanging bansa na may dalawang titulo.

Binigyan ng standing ovation si Rapinoe nang palitan sa 79th mi-nute. Kasama sa 57,900 crowd sa Stade de Lyon si France President Emmanuel Macron. (VE)