Patay ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dating beauty queen ng Island Garden City of Samal na si Kimberly Autida.

Ayon kay Supt. Noel Asumen, chief ng IGaCoS Police, nang-agaw umano ng baril sa mga pulis ang suspek na si Elvin Juna, habang dinadala ito sa ospital nitong umaga ng Lunes, kaya napilitang barilin ito ng mga pulis.

Dumaing umano ng pananakit ng tiyan ang suspek kaya dinala ito sa ospital. Nagulat ang escort na pulis nang biglang nabuksan ng suspek ang posas at nanlaban ito sa mga pulis.

Umamin si Juna na siya ang nanggahasa at pumatay sa 19-anyos na dating beauty queen.

Ang biktimang si Kimberly Autida ay fourth runner up sa Mutya ng Samal noong 2016.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang suspek na kasabwat sa krimen.

8 Responses