Inaresto kamakalawa ang isang lalaki ng Hagonoy PNP makaraang ireklamo ng panggagahasa at pamboboso sa dalawang hipag sa kanilang bahay sa Barangay San Nicolas, Hagonoy, Bulacan kamakailan.

Sa report ni P/Supt. Herly L. Bruno, Hagonoy police chief, nakilala ang suspek sa pangalang Joe, 31, may-asawa, ng Barangay San Nicolas, Hagonoy na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal makaraang reypin ang kanyang 13-anyos na hipag na itinago sa pangalang Nene at pamboboso sa kanya pa ring 20-anyos na hipag.

Lumilitaw na nadiskubre mismo ng kanyang biye­nang babae ang ginagawa ng suspek sa kanyang dalagitang hipag kung saan sinimulan nitong molestiyahin ang biktima noong ito ay grade 2 pupil pa lamang.

Napag-alaman na dahil sa matinding kahihiyan na ginawa sa mga hipag ay idinahilan umano nitong mayroon siyang sakit sa pag-iisip at isang manyakis.

Nakapiit ngayon ang suspek sa Hagonoy muni­cipal jail habang nagpositibo ang resulta ng genital examination sa dalagita na na-rape ito ng suspek.