Tumuka si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ng 23 points, limang assist, apat na rebound at isang steal nang muling dagitin ng Ateneo Blue Eagles ang Adamson Soaring Falcons, 80-74, sa 82nd UAAP seniors basketball basketball tourney 2nd round elims Miyerkoles sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Tuloy ang ang ratsada ng defending champion ADMU sa imakulada pa ring marka, 9-0 sa pagsosolo sa liderato, hinila pabulusok ang ADU sa 3-6, sumalo sa sixth spot nito ang idle UE Red Warriors.

Malinis na 9-0 ang marka ng Blue Eagles habang lugmok sa 3-6 ang kampo ng Soaring Falcons.

Natapos ang first half lamang pa ang Adamson 37-34, ngunit rumatsada sina Angelo Kouame at Ravena papasok sa third quarter upang makuha ang kalamangan at hindi na nagpahuli pa.

Bumida rin sa laban sina Will Navarro at Matt Nieto na may tig-11 puntos at Matthew Daves na umiskor ng 10.

“Well, obviously Adamson came with a real fire, a great game plan and they did a great job. They played 40 minutes of tough basketball,” pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin. “Third quarter, we came out with some purpose and then we really survive Adamson at the end of the game.”

‘Di sapat ang ang tig-17 pts. nina Jerrick Ahanmisi at Val Chauca, 13 points mula kay Lenda Douanga at 12 points ni Joshua Yerro para makabawi ang San Marcelino-based cagers. (Janiel Abby Toralba)