Handang sumabak sa giyera ang collegiate star na si Thirdy Ravena sa pagsisimula ngayong Lunes 9th PBA D-League 2019 quarterfinals.
Magkukrus ang landas ng Ateneo-Cignal laban sa FEU tangan ang twice-to-beat advantage buhat nang manguna sa Aspirants group hawak ang record na 8-1.
Lamang man sa sitwasyon, inaasahan ni Thirdy na magiging mahirap ang daang tatahakin dahil sa nangangambang pisikalan sa laro.
“Mas physical na siya compared to our past games,” ayon sa UAAP Season 81 Finals MVP.
“We have to get ready physically and mentally because everyone’s going to try to throw you off with the physicality. You just have to be mentally tough for those situations,” aniya pa.
Hinirit ng Ateneo ward, na magiging mahirap ang daan tungo sa kampeonato lalo’t walang sinusundan na espisipikong game plan ang kanilang koponan, ngunit tingin ni Ravena ‘di ito hadlang para manalo.
“We have to learn how to fight, play tough, and play with one another. I know that my teammates are willing to make the sacrifice, to adjust to the physicality. I trust my teammates that they’ll be mentally tough,” wakas niya.
Mangyayari ang sagupaan sa Ynares Sports Arena, ganap na alas-dos ng hapon. (Ray Mark Patriarca)