Nagsabwatan sina Ange Kouame at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III upang mapapasok na sa Final Four ang Cignal-Ateneo tapos paamuin ang ChaDao-FEU, 67-60, sa siklab ng 9th PBA D-League quarterfinals Lunes ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Lumipad si Kouame ng 14 points at gayunding dami ng rebounds samantalang may mahalagang bak-ap si Ravena na 10 markers at 6 boards para siguraduhin ng may twice-to-beat edge Eagles na ‘di na makahirit ng knockout game ang Tamaraws.

“FEU is very good defensive team, they have a very good system and they are very discipline. So, we expected this kind of game,” sabi ni assistant coach Sandy Arespacochaga.

“Definitely it’s a good experience for us. It’s been quite an adventure for us. There were games that we didn’t have a complete roster because of the conflict on their classes but we’re glad that’s over,” panapos niya.

Sina JM Calma, Allyn Bulanadi at Alex Desoyo naman nang mga bumida para sa Valencia City Bukidnon-SSCR nang suwagin sa overtime ang Che’Lu Bar and Grill, 93-87.

May 19 pts. at 11 rebs. si Calma habang nagsahog ng tig-15 puntos sina Bulanadi at Desoyo. (Fergus Josue, Jr.)