Ravena wala pang kontrata dahil kay Dickel?

Ravena wala pang kontrata dahil kay Dickel?

Palaisipan ngayon sa mga sports fan kung sino ang tinutukoy ng sports insider na si Snow Badua ukol sa isang coach na nag-aalala na dahil walang nilagdaang kontrata sa koponang siniserbisyuhan.

Sa tweet ni Badua, nilahad ang agam-agam ng isang coach dahil sa magulong set-up sa koponan.

“This coach still has no contract with his team. Guy has been asking friends who have long been in the league about his set-up and how to go about it,” ayon kay Snow.

Ilang netizen ang nanghula, partikular na lumutang ay ang pangalan ng ngayong TNT coach na si Bong Ravena.

Kung titingnan ang setup ng TNT, sa papel ay si Rave-na ang coach ng MVP-owned team, ngunit si Mark Dickel ang pangunahing nagtitimon sa koponan.

Si Dickel ay may papel na ‘active consultant’ sa TNT, kapareho ng sitwasyon noon ni Todd Purves sa San Miguel at Rajko Toroman sa Barako Bull noon.
Ngunit ano ang pumipigil at ‘di maging ganap na coach si D­ickel, kapareho ng mga banyagang coach tulad ni winningest mentor Tim Cone at Meralco taskmaster Norman Black.

Ito ay dahil sa ruling ng Court of Appeals pabor sa Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) na nagbabawal sa pagsalang ng mga foreign coach buhat noong 2002.

Ito ay base sa Article 40 ng Labor Code na nagsasaad na kung may mga competent na Pinoy worker ay ‘di mabibigyan ng wor-king permit ang mga banyaga para sa isang trabaho, isa na rito ang pagiging coach.

Lusot naman si Cone at Black dahil matagal na silang nakatira sa ‘Pinas, nagkaroon ng permanent resident status at nakapangasawa ng Pilipina.
Loophole nang maituturing ang pagtatalaga sa mga banyaga bilang ‘active consultant’ dahil walang magagawa ang BCAP para mapigilan ito. (RMP)