Raymart, malabong makipagbalikan kay Claudine

Sabina Santiago at Raymart Santiago

Napasayaw man silang dalawa sa dance recital ng anak nilang si Sabina, malabo na talagang magkabalikan ang dating mag-asawa na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Mas OK na lang na hindi sila nag-aaway para sa kanilang mga anak.

***

PINALITAN na ba ni Alden Richards si Coco Martin bilang endor­ser ng isang remittance company?

Si Alden na kasi ang sumosorpresa sa consumers nito sa commercial, bagay na ginagawa dati ng Ang P­robins­yano lead star.

***

“Mga prutas. mai­nam para iwas d­ehydration ngayong summer.”

Iyan ang nakalagay sa feature sa Umagang Kay Ganda kahapon.

Ngayong SUMMER talaga?

Pati ang hosts ay naguluhan sa binabasa nilang balita kaya kumambyo sa Australia.

***

Pasok si Enzo Pineda bilang bagong love interest ni JC Santos sa Till I Met You.

Sana ay hindi mas­yadong ilayo ang kuwento sa JaDine dahil marami nang fans nila ang na-turn off sa beki angle ng teleserye na nagiging main plot ng show na ito.

***

Kailangang paalalahanan si Karla Estrada na hindi magandang expression or comment ang “Parang na-stroke” sa paraan ng pagsasalita at pagkamali-mali sa Magandang Buhay.

Puwede namang magpakwela pero sana, mas maging sensitive at politically correct.