Raymart at mga anak, nag-bonding

NAG-POST si Raymart Santiago ng picture kamakalawa sa Instagram kung saan kasama niya ang mga anak nila ni Claudine Barretto na sina Sabina at Santino.

“Quality time,” caption ng aktor sa bonding nila.

***

Ikinasal ang isang La Ocean Deep na artista sa kapareho niya ang kasarian.

Kasama sa entourage ang unang apo niya at ang reaksyon nito, “Yuck!”

***

Tweet ni Ethel Booba, “Sa Game of Thrones ata nakuha ni US President Trump ang idea na mag-build ng wall. Charot!”

‘Di ba sa The Great Wall movie ni Matt Damon?

***

Bongga ang patikim nina Martin Nievera at Lani Misalucha sa nalalapit nilang Valentine concert na Masquerade sa Solaire.

Naka-post ang video clips sa Twitter account ni Pinipig de Manila @jerryolea.