Raymart walang balak makasama si Claudine

By Archie Liao

Hanggan­g nga­yon, hindi pa rin magkamayaw ang naging reaksyon ng mga kaibigan at nakakakilala kay Raymart Santiago. Ito’y sa sagot ng ex nitong si Claudine Barretto nang mag-guest sa programa ni Boy Abunda kamakailan.

Natanong kasi si Claudine ni Tito Boy sa programa nitong TWBA kung willing siyang makatrabaho si Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Sa simula, clueless ang aktres na kasama pala sa cast ng nasabing teleserye ang kanyang ex na si Raymart Santiago.

Ikinaloka ng mga viewer ang kanyang naging sagot at maging noong mga taong close sa mag-ex lalo na kay Raymart.

Sey kasi ni Claudine, willing siyang mag-guest sa programa ‘pag wala na sa cast si Raymart at kung ang suweldo ay mapupunta sa kanya.

Hirit pa ng mga kibitzers, ipinakikita raw ni Claudine na hanggang ngayon daw ay bitter pa siya sa naging hiwalayan nila ng ex. Happy na kasi si Raymart sa piling ng bago niyang non-showbiz girlfriend.

Idinepensa naman ng mga maka-Raymart na laos na umano si Claudine. Hindi rin nito papangaraping makatrabaho ang aktres na nagbabalik-Kapamilya sa isang episode ng MMK. ­