TEN years na pala ang reality TV series ng E! international cable channel na Keeping Up with The Kardashians.
Kuwento sa amin ni Raymond Gutierrez, ang special feature ng E! News Asia sa Kardashians ang ipinunta niya sa Singapore kamakailan.
Sila ni Yvette King ang hosts sa special na ‘yon.
Two days nilang kinunan ang special na ‘yon na sa Setyembre ipapalabas.
Bukod sa taping ng nasabing special, nag-enjoy si Raymond sa ilang fun activities sa Singapore.
Kung noong mataba pa siya ay iwas na iwas si Raymond sa pagsu-swimming, sa pagpunta niya ngayon sa Singapore, nagawa pa niyang makapag-swimming.
***
Akala namin ay minsan lang ‘yung guesting ni Teri Onor para sa Quiz Vee ng Eat Bulaga bilang Mother Goose.
Lately ay halos araw-araw na siyang napapanood doon.
Regular na ba siya sa nasabing noontime show?
Ani Teri, hindi siya sure, pero natutuwa siya na madalas na naman siyang tawagan para sa segment na ‘yon.
In fairness to Teri, kahit politician na siya sa Bataan, hindi pa niya tuluyang iniiwan ang showbiz.
Enjoy siya sa paminsan-minsang gig niya sa showbiz, pero priority niya ang pagiging public servant.
***
Kahit sa GMA 7 madalas na napapanood ngayon si Dina Bonnevie, hindi pala siya exclusive sa Kapuso network.
Kamakailan ay nag-taping si Dina para sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.
Willing si Dina na tumanggap ng trabaho sa kahit na anong TV network.
Wala kasi siyang regular series ngayon sa siete, kaya understandable na tumanggap siya ng guesting sa Dos.
Mukhang enjoy na lang si Dina sa paminsan-minsang pag-aartista niya dahil hindi ‘yon ang kanyang bread and butter.
May isang malapit sa aktres ang nagkuwento sa amin na marami siyang negosyo.
Bukod pa roon ang restaurant business nila ng mister na si DV Savellano.
Syanga pala, may movie project si Dina with Snooky Serna.
Co-stars sila nina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Erich Gonzales sa pelikulang The Significant Other.