Raymund, malabong dumalo sa kasalang Gwen-Jeremy

Raymund Romualdez

CHINITO Hunk ang dating ni Raymund Romualdez, anak ni dating Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

Ilang beses na kaming nagpabalik-balik ng Tacloban sa imbitasyon ni Mayora Cristina Gonzales-Romualdez, pero first time naming na-meet in person si Raymund doon sa commemorative mass sa Tacloban Astrodome para sa ikatlong taon ng Yolanda.

Very nice and plea­sant si Raymund, na natsika namin saglit at nakunan ng picture.

Ex-girlfriends niya ang dating magkaibigan na sina Gwen Zamora at Ellen Adarna.

Ang sabi sa amin ng napakatangkad na si Raymund, friends pa rin niya ang dalawa at minsan ay nakakausap pa rin niya ang mga ito.

Aware siyang ikakasal na next year si Gwen sa fiance nitong si Jeremy Marquez, pero nang usisain namin kung dadalo ba siya sakaling imbita­han siya, ang nakangiting sagot ni Raymund ay, “I think that would be awkward.”

Loveless ngayon ang hunky Chinito at rest daw muna siya sa girls.

In fairness ay ang lakas ng appeal ni Raymund in person, kaya hindi na kami nagtakang nahulog sa charm niya sina Gwen at Ellen.

Gwen Zamora
Gwen Zamora

Sino kayang pretty and sexy showbiz girl ang next niyang magi­ging girlfie?

Tila nagmana si Raymund sa kanyang Daddy Alfred na nabighani sa isang magandang aktres, na ngayon ay tumata­yong ina ng lungsod ng Tac­loban.

Kuwela ‘yung speech ni former Mayor Alfred lalo na nu’ng banggitin nito na siya na ngayon ay UNEMPLOYED, ka­tulad din ng kanyang pinsang sina former Senator Bongbong Marcos at former Cong­ressman Martin Romualdez.

Benta rin ‘yung taguri kay Alfred na ‘Official Sweetie of Tacloban’ dahil well-loved pa rin ito ng mga Taclobanon.

Pinuri niya ang kanyang maybahay na si Cristina, na sabi niya ay matagal nang naglilingkod sa bayan ng Tacloban at ngayon ay Mayor na ng kanilang mga kababayan.

Sa talumpati ni Mayora Cristina ay ilang beses nitong binanggit ang pagiging RESILIENT ng Tacloban at ng mga Taclobanon.

Masaya niyang ibinalita na tuloy-tuloy na ang pagbangon ng siyudad at masigla na ulit ang turismo at mga negosyo sa Tacloban.

Si Kitchie Nadal ang nag-perform sa comme­morative program kasunod ng early mor­ning mass.

Taga-Palo, Leyte ang pamilya ni Kitchie, na isa sa mga nag-volunteer nu’ng 2013 matapos salantain ng bagyong Yolanda ang Tacloban.

Nagawa palang kumanta noon ni Kitchie sa mga bara-barangay ng libre.

Inawit niya sa Astrodome ang isang Waray song na kinompows niya, tapos ay kinanta niya rin ang hit song niyang Bulong.