Rayver, nakita si Janine bago pumunta sa US

RAYVER, JANINE, RODJUN at mga kaibigan

BEACH beauty ang peg ni Janine Gutierrez nga­yong Lenten break.

Sa beach house ng kanyang Lolo Boyet de Leon sa Lobo, Batangas ang punta ni Janine with her family.

Gusto niya talagang mag-beach kaya nag-status si Janine sa Facebook na naghahanap siya ng bahay na for rent sa Batangas para sa pa­milya niya.

Kaso ay late na siyang nagplano, so ubos na lahat.

Buti na lang at nag-comment ang kanyang Nanay Sandy Andolong na du’n na lang sila sa bahay ng kanyang Lolo Bo sa Lobo.

Wala sina Boyet doon ngayong Holy Week kaya doon na lang si Janine kasama ng mga kapatid niya at ng madir nilang si Lotlot de Leon.

Tapos, sa weekend ay sa Caliraya naman sila kasama ang fadir nilang si Monching Gutierrez.

Sayang at lumipad kahapon pa-Amerika ang nali-link ngayon kay Janine na si Rayver Cruz. Kung nandito si Rayver ay baka sumunod ito ng Batangas.

Nu’ng Monday night ay magkasama ulit ang JanVer sa birthday ce­lebration ng isang friend ni Janine.

First time nag-post ni Rayver ng pic nila ni Janine sa IG, pero kasama nila si Rodjun at ang barkada ni Janine.

So, ibig sabihin ay nagkita ang JanVer bago umalis si Rayver pa-US. Pa-despedida ba ito?

Ang saya nemen! Mukhang may future talaga ang dalawa, infeyr!