Rayver walang binatbat kay Janine

Marami ang pumupuri kina Janine Gutierrez, Frankie Pangilinan at Lauren Young. Iisa raw ang kulay ng tatlo dahil palaban at isinisiwalat talaga kung ano ang nararamdaman.Sila ang boses ng bayan.

Sa Instagram account ni Janine ay may naganap na purihan. Ito’y may kinalaman sa caption ng aktres sa GCQ at pag-research niya sa Anti-terrorism Bill sa Pilipinas.

Komento ni Laureen, “ This is why i labyu”

Reaction naman ni @frankiepangilinan, “wow i love.”

Pakli ni Janine kay Frankie, “u inspire me!”

Samantala, damay na rin ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz.

Hindi umano bagay ang dalawa. Kung anong lalim ni Janine, siya naman tahimik daw ni Rayver.

Mukha raw hindi nakakasabay ang aktor sa talino ng nobya. Tila walang binatbat umano si Rayver pagdating sa galing ng utak ni Janine.

Hindi raw nakikitaan ang aktor ng mga makatuturang opinion na nangyayari sa bayan at industriya gaya ng GF.

Pero may nagtatanggol din kay Rayver. Hindi naman sa talino nasusukat ang relasyon ng dalawa kundi sa tunay na pagmamahal ng aktor. Ang importante ay loyal, mabait, sincere, may respeto at responsible ito bilang nobyo.

Bukod sa lahat, masaya si Janine sa piling niya. (RFC)