Katatapos lang patalsikin ng RC Cola-Army ang Generika, sumaksak na agad sa isipan ng Lady Troopers ang pakikihamok sa matibay ding Foton sa knockout semifinals.

Alam ng Lady Troopers na dadaa­n sila sa butas ng karayom bago nila mapataob ang defending champion­ Tornadoes sa one-game semis ng Asics-Philippine Superliga Grand Prix sa Sabado sa Legazpi City.

“Problema namin ang Foton,” wika ni RC Cola-Army assistant coach Rico de Guzman. “Pero nandito na kami kaya gagawin natin lahat para makausad sa finals.

Ilang araw pa bago ang bakbakan, may panahon pa para makapaghanda ang Lady Troopers na beterano na rin sa mga rubber match games.

“May winning tradition naman ang mga players natin kaya puwede tayong makasilat,” ani De Guzman.

Sasandalan ng RC Cola-Army sina locals Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzales, makakatulong nila sina imports Hailie Ripley at ­Kierra Holst.

Ang tinaguriang Bionic Ilongga na si Gonzaga ay kumana ng 13 puntos sa 25-20, 25-19, 25-19 panalo ng RC Cola-Army sa Generika sa knockout quarterfinals noong Biyernes.

Nag-ambag sina Ripley at Holst ng 12 at 11 markers.

Magkakaldagan naman sa isa pang semis pairing ang No. 2 Petron at No. 3 F2 Logistics.