READY TO RUMBLE

UAAP Volleyball Season 79

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

8:00 a.m. — DLSU vs. FEU (m)
10:00 a.m. — Ateneo vs. UST (m)
2:00 p.m. — NU vs. UE (w)
4:00 p.m. — Ateneo vs. UST (w)

Puro dikdikang ensayo at paghahasa ang ginawa sa offseason ng mahigpit na magkaribal na De La Salle University at Ateneo at matatasa­han ang bunga ng kanilang hard work sa siklab ng UAAP Season 79 wo­men’s volleyball ngayon, February 4, sa Smart Araneta Coliseum.

Ide-depensa ng Lady Spikers ang korona na wala na ang ilan nilang key players. Bago nag-graduate sina Ara Galang, Mika Reyes at Cyd De­mecillo ay naibalik nila sa Taft ang titulo, tumawid sa ibang team si Eli Soyud.

Balik sa DLSU si Kim Dy at sinabing malaking challenge sa kanila ang pag-depensa sa korona.

Ang runner-up ng La Salle na Ateneo, December pa nagsimulang mag-ensayo. Sumabak ang Lady Eagles sa ilang friendly matches sa Thailand, pagkatapos ng Christmas break ay dumayo ng Japan.

Sa post-Alyssa Valdez era, dibdibang sumalang agad sa training ang Lady Eagles. Graduate na si star player Valdez kasama sina Amy Ahomiro at Mae Tajima.

Sa March 4 unang magtatagpo ang La Salle at Ateneo.

Desidido ring gumawa ng ingay ang Adamson Lady Falcons, FEU Lady Tamaraws, NU Lady Bulldogs, UE Lady Warriors, UP Lady Maroons at UST Tigresses.