Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na naaresto sa naganap na encounter sa tropa ng Philippine Marines (PM) ang kinasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ).
Kinilala ang mga suspek na sina Salip Ismael Abdulla, Isa Ukang at isang menor-de-edad ang sinampahan ng kasong rebelyon kay Assistant State Prosecutor George Yarte Jr.
Ayon sa reklamo ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), kabilang ang tatlo sa 30 ASG na nakipagbakbakan sa mga sundalo sa Barangay Pang-in Kalingalan sa bayan ng Caluang, Sulu.
Sa naturang sagupaan, dalawang miyembro ng PM ang nasawi at isa ang nasugatan habang lima naman ang nasawi sa panig ng ASG.