Lumaban nang sabayan pero hindi pa rin sumapat sa Rebisco-PSL Manila para makuha ang unang panalo, yumuko rin sa Sarmayeh Bank of Iran, 25-23, 25-17, 29-27, kahapon sa classification phase ng 2017 AVC Asian Women’s Club Champ­ionship sa Boris Alexandrov Sports Palace sa Ust-Kamenogorsk sa Kazakhstan.

Nahirapan ang Pinay netters nang harurutin ni Iran national player Esfehani Maedeh Borhani ang 17 points para sa Sarmayeh Bank, kumana si Kolaei Mahdien Khaje ng 13 markers.

Sumubok ang Rebis­co-PSL Manila na pahabain ang hininga nang makauna sila sa set point ng dalawang beses – una sa 24-23 sa atake ni 6-foot-5 Jaja Santiago at 27-26 sa puntos ni Rachel Anne Daquis sa third set.

Kaya lang, nag-error ang Filipinas at nabigo na naman sila.

Namuno sa opensa ng Pinays si Santiago na may 14 points, nagtala si Daquis ng 10 markers.

Dahil sa talo, makikipagpaluan na lang ang Manila team sa battle for seventh kontra sa mananalo sa pagitan ng Taiwan at Vietnam.