Nahirapan din ang liyamadong VietinBank bago tinaob sa apat na sets ang Rebisco-PSL Manila 25-21, 17-25, 25-20, 25-14 kahapon sa Asian Women’s Club Volleyball Championships sa Boris Alexandrov Sports Palace sa Kazakhstan.
Hinawakan ng Rebisco Spikers ang 9-4 bentahe bago gumapang ang Vietnamese at naitabla ang iskor sa 18-all bago hinablot ang panalo sa first set.
Nagsanib puwersa sina 6-foot-5 Jaja Santiago, Aby Maraño, at Jovelyn Gonzaga para makuha ng Pinay spikers ang second frame.
Nirehistro ni Santiago ang 17 puntos, nag-ambag ng tig-10 sina Gonzaga at Maraño.
Namuno sa opensa ng Vietnam si Dinh Thi Thuy na may 24 puntos.
Wala pang panalo ang Rebisco-PSL Manila sa dalawang laro, makakalaban ang Tianjin Bohai Bank ng China ngayong araw.