Linggo ng gabi ay umalis na ang Rebisco-PSL Manila patungong Ust-Kamenogorsk sa Kazakhstan, dala ang pag-asang maka-sorpresa sa AVC Asian Women’s Club Championship.
Babanderahan ni seasoned international campaigner Rachel Anne Daquis ang team na misyong lagpasan ang seventh-place finish nang i-host ng bansa ang torneo noong nakaraang taon.
Makakasama niya sa team sina veterans Jovelyn Gonzaga ng Cignal, Aiza Maizo-Pontillas at Rhea Dimaculangan ng Petron, young guns Mika Reyes at Ces Molina ng Petron, Aby Maranon g F2 Logistics, Denden Lazaro ng Cocolife, Kim Fajardo ng F2, Jaja Santiago ng Foton, Gen Casugod at Bia General ng Generika-Ayala at Lourdes Clemente ng Sta. Lucia.
Si national women’s team head coach Francis Vicente ang hahawak sa squad.
Walang import ang Pinays, pero tiwala si team manager Anna Tomas na makikipagpukpukan ang squad sa iba pang clubs sa pool nilang Hisamitsu Springs (Japan), Tianjin Bohai Bank (China) at VietinBank (Vietnam).
15-oras ang flight pa-Istanbul, four-hour flight ulit pa-Almaty at 2-hour travel pa para makarating sa Ust-Kamenogorsk sa northern Kazakhstan.