Rebisco sumabay sa Thailand

Nakatikim din ng set win ang Rebisco PSL Manila sa Asian Women’s Club Volleyball Championships sa Ust-Kamenogorsk, Kazakhstan.

Nakipagpukpukan ang Filipinas hanggang dulo bago yumuko sa Supreme Chonburi VC ng Thailand, 25-20, 25-12, 18-25, 27-25, kahapon.

Ang third-set win laban sa Thais ang unang panalo sa isang frame sa torneo ng Rebisco team na binubuo ng stars ng Philippine Superliga. Iyon na ang pinakamagandang nilaro ng Filipinas sa torneo.

Laban sa import-laden Thai club, nakipagsaba­yan sa spikes ang Filipinas sa pangunguna nina Jaja Santiago, Jovelyn Gonzaga, at Aby Maraño at nakuha ng Filipinas ang paghanga ng crowd sa Boris Alexandrov Sports Palace.

Sa fourth, dalawang match points pa ang naligtasan ng Rebisco sa likod ng dalawang hits ni Gonzaga para pahabain ang frame. Pumanig sa Thais ang suwerte nang desisyunan ng referee na touched ball ang isang hit ng Sup­reme gayong lumabas na ang bola.

“We played well today, but the referee’s call didn’t come our way,” bulalas ni national coach Francis Vicente.

Top-scorer sa Filipinas si Santiago na may 22, nagdagdag ng 14 si Gonzaga at may 13 si Maraño kabilang ang three blocks.

Wala pang naipapanalo sa apat na laro ang Fili­pinas, pero posibleng tumapos ng fifth kapag nailusot ang huling dalawang asignatura.