Rebound, hussle, effort lang — Ular

Sinandalan ng Marikina Shoemasters ang hinulma ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball champion Letran Knights na si Renato Ular upang magarote ang Parañaque Patriots, 89-82, sa 3rd Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations Biyernes sa Valenzuela Astrodome.

“Ginawa ko lang ‘yung makakaya ko kasi dun sa Letran tala­gang rebound lang ako ng rebound, effort at hussle sa game,” namutawi kay Ular na umangas ng 25 points at 17 rebounds upang kalsuhan ang back-to-back losses ng Shoe Capital na kinipkip ang Group A 15th spot sa 5-19 win-loss mark.

Pasabog din ng 33 game-high markers si Yves Sazon na nagpabalandra sa Parañaque sa ikaanim na sunod at masadlak sa 8-19 na tama para sa ika-13 puwesto.

“Yung depensa lang namin binalik namin kaya mapapansin niyo nu’ng second half inayos talaga. Nakabawi kami dun sa mga lapse namin nu’ng unang second quarter,” ani Sazon.

Walang saysay ang 26 points ni Jayboy Solis para sa Patriots na humaba pa ang bangungot.

Ang iskor:
Marikina 89 – Sazon 33, Ular 25, Pascual 10, Tambeling 5, Dysam 4, Mendoza 4, Ybanez 3, Casajeros 2, Padua 1.

Parañaque 82 -Yabo Sports 82 – Solis 26, Sunga 14, Saguiguit 12, Vizcarra 9, Mangalino 5, Rabe 4, Antonares 3, Abugan 2, Lucente 2, Larotin 2.
Quarters: 22-18, 40-42, 64-60, 89-82. (Aivan Denzel Episcope)