Pasiklab ng 26 game-high points at 7 rebounds si team captain John Kevin Ortuoste upang pabagsakin ng Muntinlupa ang Imus Bandera, 90-86, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Season 2019-2020 nitong Martes sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos.

Nakasabwatan niya sa Cagers si Dave Moralde na may 16 markers, 5 boards at 3 assists upang bigyang muli ng panalo ang koponan na umangat sa 7-19 kartada para sa ika-13 puwesto sa Group B.

“Nag-focus lang kami sa game plan namin tapos na-execute naming maayos ‘yung transition,” pahayag ni Paeng Rebugio na hinirang na pla­yer of the game sa krusyal na ambag na 12 pts., e reb.s at 5 asts.

Nasayang naman ang 18 markers at 7 caroms ni Jay-Ar Ng Sang sa pagsemplang ng Imus sa 6-21 at matengga sa ika-14 na katayuan sa nasabing grupo. (Aivan Denzel Episcope)