Record ng Beatles, naabot ni Ariana Grande

ariana-grande

Napantayan ng pamosong si Ariana Grande ang pamamayagpag at mataas na rekord na naitala noon ng “The Beatles” makaraang masungkit ng American singer, songwriter, at actress ang top three spot sa US Billboard.

Magugunitang taong 1964 pa nang unang masungkit ng English rock band na Beatles ang titulo at sa loob ng 50 taon ay muling makamit ang unang tatlong puwesto sa US singles charts ng isang singer.

Nanguna sa Billboard’s top albums ang mga awitin ng pop star na “7 Rings,” “Break Up With Your Girlfriend, I’m Bored” at “Thank U, Next”.

Tinalo rin ni Ariana si Cardi B sa record na most simultaneous top 40 hits by a female artist.

Bukod dito’y naungusan din nito sa Taylor Swift nang magwagi sa Grammy sa kategoryang Best Pop Vocal Album.

Bunsod nang walang puknat na pagsikat ni Ariana ay pinarangalan din ito ito ng Billboard bilang 2018 Woman of the Year.