Recruitment ng OFWs sa Saudi matagal nang itinigil ng POEA

Kinumpirma ng Philippine Overseas Employ­ment Administration (POEA) sa pamamagitan ni POEA Administrator Hans Cacdac ang pagti­gil sa recruitment ng mga manggagawang Pinoy patungong Saudi Arabia.

Walang ibinigay na petsa pero paglilinaw ni POEA Admin. Cacdac ay matagal nang hininto ng POEA ang deployment ng mga Pinoy OFWs sa Saudi.

Kung ganito ang sitwasyon dapat ay ipaalam ito ng POEA sa ating mga kababayang OFWs­ na patuloy na umaasang makakapagtrabaho sa ibang bansa kabilang sa Saudi Arabia.

Hanggang sa ngayon ay marami pa tayong mga kababayang OFWs ang naghihintay ng kanilang mga job orders sa Saudi mula sa mga inaplayang recruitment agencies.

Pinapangakuan ng kung anu-anong trabaho­ ng naglipanang mga r­ecruitment agencies sa bansa pero ang katotoha­nan­ pala ay wala nang naghihintay na trabaho­ sa mga OFWs dahil ­ini­hinto na ng POEA ang ­deployment.

Ang deployment ban ay dapat na ipabatid ng POEA sa mga OFWs upang hindi na mabiktima pa ng mga recruiters. Kaawa-­awa naman ang ating mga kababayang umaasang makakapagtrabaho sa Saudi gayong wala na palang naghihintay na trabaho sa kanila dahil ipinagbawal na ito ng gobyerno.

Pero para sa amin, tama lamang ang desis­yong ito ng POEA dahil kaawa-awa lamang ang nangyayari sa mga kababayan natin sa Saudi na nawawalan ng trabaho.

Masyado silang naabuso dahil sa kawalan ng proteksyon sa kanilang mga employers ay nakakaligtaan na ring pagtuunan ng pansin ng mga opis­yal ng ating gobyerno.

Mabuti na lamang at naluklok si Department of Labor Secretary Silvestre Bello na pinursige tala­gang tutukan ang kalagayan ng halos 9,000 mga stranded­ OFWs sa Saudi na hindi­ makauwi ng bansa dahil sa napakaraming proble­mang kinakaharap kagaya ng kawalan ng pamasahe pauwi ng ­Pilipinas.

Sa ngayon ay inaa­sikaso na ng DOLE ang ­lahat ng kailangan upang iproseso ang pagpapaba­lik ng bansa ng mga matagal nang stranded na mga ­OFWs sa Saudi at sana nga ay makauwi na sil­a sa lalong mada­ling ­panahon upang matapos­ na ang kanilang paghihirap­ at makasama­ na ang kanilang mga ­mahal sa buhay.