Muling itinutulak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gawing tax-free na ang overtime pay ng mga kawani ng gobyerno gayundin sa pribadong sektor.
Sa panukala ni Recto na una niyang inihain noong 15h Congress ay naglalayong amiyendahan ang Tax Code kasama ang pag-exempt sa overtime pay.
Aniya, bagama’t mababawasan ang kita ng gobyerno, magkakaroon naman ng dagdag na pambili ang bawat manggagawa.
“This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate activities in the industrial and service sectors and
eventually generate more taxes,” paliwanag ng senador.
Sa Senate Bill 601, sinabi ni Recto, tinatayang 26.7 milyong minimum wage at salary worker ang makikinabang kung maisasabatas ito.
Nakasaad din sa panukala na hindi kasama ang overtime sa komputasyon ng taxable income na nag-aamiyenda sa Section32 (B) (7) ng National Internal Revenue Code of 1997.
“An employee who renders overtime work puts in additional hours of work and requires greater physical and mental effort. Instead of being able to rest early and spend more time with the family, the employee is forced to extend the working hours to achieve the organization’s goals,” ani Recto.
“Thus, it is only fitting that the employee is properly compensated for additional work hours rendered,” saad pa nito.
Sa ilalim ng Labor Code, ang prescribe na bilang ng oras ng trabaho ng mga empleyado sa anim na sunod na araw ay walong oras kada araw.
Kung ang mga manggagawa ay nagtrabaho ng lagpas sa walong oras, ang mga employer ay required na bayaran ng dagdag ng kompensasyon na equivalent sa regular wage ng manggawa kasama at dahdah na 25% ng kaniyang regular na sahod.
Kung ang overtime ay bumagsak sa holiday o rest day, ang rate ay magiging 30%. (Dindo Matining)