Red Bull R1v1r Runes sasambulat

Ipapakilala sa unang pagkakataon sa bansa ang panibagong laro na Red Bull R1v1r Runes sa Oktubre 19.

Ang bagong game title ay magbibigay sa mga Dota 2 player ng oportuni­dad na magpakahusay pa sa gaming.

Ang Red Bull R1v1r Runes ay isang custom map na kabilang sa Dota 2 environment, na nagbibigay ng napakabilis na 1v1 mirror matchup na
nagtutulak sa matalas na pag-iisp at madaliang desisyon sa laro.

Kinakailangan sa isang player para makausad sa susunod pang mga yugto na makagawa ng three kills, o first kill sa isang kalaban sa T1 Tower.

Ang torneo ay bukas sa lahat ng players edad 18-anyos pataas at binubuo ng 3 online qualifiers na una noong Oktubre 5 sa Mindanao, Okt. 6 sa Visayas at Okt. 12 sa Luzon.

Ang final 2 mula sa lahat ng qualifier ay ipapadala sa Manila para sa National Finals sa Okt. 19 sa High Grounds Cafe.

Ang mga finalist ay magsasagupa para sa tsansa na sumalang sa susunod na season ng #LuponCivilWar kasama ang mga kilalang Dota personalities sa bansa.

Nagwagi na sa Luzon Qualifier sina Charles “charlespogi” Artacho at Jhonrey “XA” del Mundo habang sina Christian Brayl “Kyapo” Quiapo at Danny “Danny” Cabahug ang mga nanalo sa Visayas Qualifying.

***
Binabati ko ang mga pambansang atleta na sina Ernest John Obiena at Carlos Edriel Yulo na unang dalawang Pilipino na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics.

Kawawagi lang din ni Yulo nitong Sabado ng gintong medalya sa paboritong floor exercise sa 49th FIG World Champioshps sa Stuttgart, Germany.