Rumampa na sa Final Four ang San Beda Red Cubs. At wala nang makapipigil pa sa kanila sa muling paghahangad sa finals ng 92nd juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nilapa ng Red Cubs ang St. Benilde-La Salle Greenhills, 85-82 para makuha ang No. 1 spot sa F4 matapos ilista ang 16-1 karta.

“Our next goal now is the finals but we have to prepare first in the Final Four for us to achieve it,” saad ni San Beda coach JB Sison.

Tumikada si Evan Nelle ng game-high 27 points para masukol din ng Cub ang twice-to-beat incentive paglarga ng semifinals.

Bumakas sina Prince Etrata, Ry dela Rosa at Carlo Obenza ng 13, 11 at 10 points ayon sa pagkakahilera.

Semplang ang Junior Blazers sa third place kasama ang 13-4 card kapareho ng Arellano U Braves na tumupi sa Mapua Red Robins, 71-84.

Bumira si Michael Enriquez ng 28 markers para umakyat ang Red Robins sa No. 2 na may 13-3 card.

pag-aagawan ng Mapua, Arellano at St. Benilde ang natitirang twice-to-beat edge.

Magtatapat ang San Beda at Arellano U habang kaldagan ang Mapua at CSB-LSGH sa krusyal na laro sa Lunes para malaman ang pagkakasunod sa Final Four.