AKIN NGA! --- Nagbaklasan ng bola, walang gustong bumitaw kina Will Gozum (kaliwa) ng Mapua at Maui Cruz (kanan) ng EAC sa NCAA juniors basketball kahapon sa The Arena. Pinaluhod ng Red Robins ang Brigadiers, 98-74. (Jhay Jalbuna)
AKIN NGA! — Nagbaklasan ng bola, walang gustong bumitaw kina Will Gozum (kaliwa) ng Mapua at Maui Cruz (kanan) ng EAC sa NCAA juniors basketball kahapon sa The Arena. Pinaluhod ng Red Robins ang Brigadiers, 98-74. (Jhay Jalbuna)

Bumabangis habang tumatagal ang San Beda Red Cubs matapos nilang sagpangin ang six-game winning streak kontra San Sebastian Staglets, 74-66, kahapon sa 92nd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Lumapa si Sam Abu Hijle ng season-high 30 points kasama ang 14 rebounds habang bumakas sina Joshua Tagala at Evan Nelle ng 12 at 11 points para sa seven-­time defending champion San Beda.

Kumapit na sa top four ang Perpetua­l Help dahil sa pangangaldag nila sa Letran,­ 88-68 sa unang laro.

“We’re happy but we’re not satisfied because we’re not yet in the Final Four,” wika ni coach Barry Tobias.

Nanguna sa opensa para sa Junior Altas si Jielo Razon na nagpasabog ng 23 points tumulong din sina Errol Bongay, Jasper Cuevas at Esvin Inliwan ng 15, 10 at 10 points ayon sa pagkakahilera para ipinta ang 4-3 karta.

May kartang 3-4 ang Squires habang nalasap ng Staglets ang pitong sunod na talo.

Sa pangatlong laro, kinalos ng St. Benilde ang Jose Rizal, 70-63, para saluhan ang Perpetual Help sa No. 4 habang pinayuko ng Mapua ang Emilio Aguinaldo, 98-74, sa fourth game.

Kinalos naman ng Arellano ang Lyceum of the Philippines Junior Pirates, 91-77, sa huling sultada.