Mga laro ngayon: (Flying V Center, San Juan)
12:00 noon — JRU vs. Mapua (jrs)
2:00 p.m. — JRU vs. Mapua (srs)
4:00 p.m. — San Beda vs. Arellano (srs)
6:00 p.m. — San Beda vs. Arellano (jrs)

Lumabas ang bangis ng defending champion San Beda matapos mabigo sa kanilang pangalawang laro ngayong Season 93 ng NCAA basketball tournament.

Tangan ng Red Lions ang 1-1 card matapos yumuko sa Lyceum of the Philippines noong July 14, pagkatapos ay sinakmal na lahat ng humarang sa kanilang daan.

Ngayong araw, pakay ng Mendiola-­based squad na pahabain ang winning streak sa pito pagharap nila sa last year’s runner-up Arellano University sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nasa No. 2 ang Red Lions sa 7-1 card, huling tinalo ang Perpetual Help 57-53, sa ‘NCAA on Tour’ game noong Aug. 17 sa Perpetual Help Gym.

Kapag nanaig ang San Beda, lalapit sila sa nangungunang Pirates (9-0).

Pero inaasahang ganadong lalaro ang Chiefs dahil nagwagi sila sa kanilang huling laro kontra College of Saint Benilde 87-81 sa likod ng career-high 24 points ni rookie Levi dela Cruz.

“We know that their main man is Kent Salado but we have to be ready because they have players who can step up also,” ani San Beda head coach Boyet Fernandez.

Magtatapat sa unang laro ang No. 3 JRU (5-3) at nasa ilalim na Mapua (1-7).