Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
12:30 p.m. – Air Force vs. Cignal (S Turf)
4:00 p.m. – Pocari vs. Coast Guard (VL)
6:00 p.m. – UP vs. UST (VL)
Pakay ng UST na isunod ang UP sa listahan ng kanilang biniktima sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference.
Kahit walang import, inibabawan ng Tigresses ang tatlong unang nakatunggali para masolo ang unahan ng team standings.
Lalapit din sa playoff para sa semifinals berth ang UST sakaling makuha ang panalo sa Lady Maroons (1-1) mamaya sa PhilSports Arena.
Isa-isang itinumba ng Tigresses ang Open Conference runner-up Air Force, Coast Guard at BaliPure na may dalawang reinforcements.
Rumatrat si EJ Laure ng 23 kills para sa Tigresses nang bale-walain ang 25-point effort ni American Kathy Morrell para sa Water Defenders.
Kinalos ng UST ang BaliPure, 21-25, 25-21, 25-23, 25-13 sa five sets.
Bumanat din si Carla Sandoval ng 12 hits, ang kagagaling sa bakasyon na si team captain Pam Lastimosa ay bumira ng 11.
Sasandalan ni UP coach Jerry Yee sina Diana Carlos, Nicole Tiamzon Kathy Bersola, Justine Dorog at Marian Buitre.