Red Lions bawal mag-relax

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
12:00 nn. — St. Benilde vs. San Beda (srs)
2:00 p.m. — San Sebastian vs. Arellano (srs)
4:00 p.m. — EAC vs. Perpetual (srs)

Pinaalalahan ni coach Jamike Jarin ang kanyang San Beda Red Lions na huwag magkumpiyansa kontra College of Saint Benilde sa simula ng second round ng 92nd NCAA senior men’s basketball tournament ngayong araw.

Nakapamewang sa tuktok ng team standings ang Lions sakmal ang 8-1 karta habang wala pang naipapanalo ang Blazers sa siyam na laro.

“I keep reminding the players that teams will be tougher in the second round and we can’t afford to ­underestimate anyone,” sabi ni Jarin.

Nabigo ang San Beda sa puntiryang nine-game sweep sa first round matapos patirin ng JRU Heavy Bombers, 73-79.

Pakay naman ng Arellano at Perpetual na pagkakaldagin ang mga makakatapat para manatiling nakadikit sa Red Lions.

Magkasalo sa pangalawang puwesto ang Chiefs at Altas sa 7-2, toka ng Arellano ang San Sebastian (1-8) at asignatura ng Perpetual ang EAC (3-6).

Depensa naman ang nakikita ni Altas coach Jimwell Gican na puhunan nila para manatili sa top four.

“Defense will be a meal ticket to the Final Four,” pahayag ni Gican.