Red Robins heavy favorites sa PSSBC

Markado ang Mapua sa pagbubukas ng 5th Philippine Seconda­ry Schools Basketball Championship (PSSBC) MEC Network Cup sa Dec. 10 sa Chiang Kai Shek College gym.

Nakopo ng Red Ro­bins ang titulo sa NCAA Juniors ngayong taon kaya heavy favorites sila sa pagtugis ng titulo sa PSSBC.

Sa likod nina Finals MVP Bryan Samudio, Clint Escamis at Brian Lacap, kinalsuhan ng Red Robins ang seven-year reign ng San Beda matapos ilista ang 84-67 win sa sudden-death match noong nakaraang buwan sa MOA Arena.

Unang kampeonato iyon ng Mapua matapos ang 16 na taon.

Para kay PSSBC chairman Leoncio Chua, naniniwala siya na kayang sikwatin ng Mapua ang korona dahil sa ipinakitang tikas sa NCAA.

“The character they showed during the finals was unbelievable and I like to congratulate coach Randy (Alcantara) for that,” ani Chua. “And that’s also the reason why Mapua is the title favorite.”

Ang ibang teams na puwedeng maging sagabal sa asam ng Mapua na titulo ay ang defending champion Chiang Kai Shek College at National University.