Mga laro ngayon (Flying V Center, San Juan)
9:00 a.m. — Perpetual vs. Mapua (m)
10:30 a.m. — Perpetual vs. Mapua (w)
12 noon — San Beda vs. JRU (w)
1:30 p.m. — San Beda vs. JRU (m)

Babangon ang San Beda mula sa pagkakadapa pagharap nila ngayong araw sa Jose Rizal U sa 92nd NCAA women’s volleyball sa FilOil Flying V Cen­ter sa San Juan.

Natisod ang Lady Red Spikers sa last year’s runner-up San Sebastian, 25-16, 25-13, 25-16, at kailangan nilang tumindig para makalapit sa unasan.

Tatrabahuhin ng San Beda ang panalo sa pa­ngunguna ng pambato nilang si Francesca Racraquin, league’s fourth highest scorer sa average na 14 hits per game.

Kumadena muna ng tatlong sunod na panalo ang SBC bago nakatikim ng talo sa Lady Stags.

Magkasalo sa unahan ang defending champion College of Saint Benilde at San Sebastian hawak sa 4-0 records.

Isasagupa ng Lady Bombers si Shola Alvarez na lalong tumikas ang skills matapos maglaro sa Shakey’s V-League ngayong taon. No. 5 sa scoring si Alvarez sa likod ni Racraquin.

Pakay ng Perpetual Help na sikwatin ang panga­lawang panalo laban sa Mapua sa isa pang women’s match.