Mga laro ngayon (Filoil Flying V Center)
8:30 a.m. — AU vs. Mapua (m)
10:00 a.m. — AU vs. Mapua (w)
11:30 a.m. — Lyceum vs. San Beda (w)
1:00 p.m. — Lyceum vs. San Beda (m)
2:30 p.m. — Lyceum vs. San Beda (jrs)

Iisa ang nasa kukote ng San Beda at Lyceum: Makasiksik sa top spot ng women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil ­Flying V Center sa San Juan.

Magkasalo sa ­second spot ang Lady Red ­Spikers at Lady Pirates tangan ang tigalawang panalo, isa lang ang puwedeng umakyat pagkatapos ng bakbakan ngayon.

Hawak ng ­defending champion College of Saint Benilde at last year’s runner-up San ­Sebastian ang liderato sa malinis na tigatlong ­panalo.

Unang kinaldag ng San Beda ang EAC Lady Generals 27-25, 25-17, 25-22 at saka isinunod ang Perpetual Help Lady Altas 25-19, 20-25, 25-21, 25-21. Tiniris ng ­Lyceum ang Letran Lady Knights 21-25, 25-16, 21-25, 25-22, 15-10 at JRU Lady Bombers, 25-23, 25-10, 25-21.

Ibabandera ng Lady Red Spikers si power­-spiking Francesca Racraquin para itapat sa ipinagmamalaki ng Lady Pirates na sina ­Czarina Pauline Orros­ at La Rainne Fabay.