Red tape sa gobyerno burahin na — Digong

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang Administrative Order (AO) 23 para mabawasan ang red tape sa lahat ng antas ng gobyerno.

Sa nasabing kautusan na nilagdaan noong Pebrero 21 subalit inilabas nitong Huwebes lang, inatasan ng Pangulo ang lahat ng nationa­l government agency na pabilisin ang proseso ng mga transaksyon sa kanilang mga tanggapan at alisin ang mga hindi naman kinakailangan na sobrang paghihigpit at mga regulasyon.

“Excessive regulations at all levels of government, which are more than necessary to implement their respective mandates, creates high costs on busines­ses, inhibit job creation, and discourage private sector investment,” sabi ng Pangulo.

Samantala, para sa mga proyektong may kinalaman sa enerhiya, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga kinauukulang ahensya na sundin ang timeline na nakasaad sa RA 11234 o Energy Virtual One-Stop Shop Act.

Nakaad pa sa AO 23 na mahaharap sa kasong administratibo ang mga ahensya ng gobyerno na bigong tumupad sa kautusan. (Prince Golez)