Positibo sa red tide ang baybayin o tubig sa lugar ng Pangasinan, Pampanga Bataan at apat na iba pang lugar at pinayuhan ang publiko na huwag kumain ng lahat ng uri ng shellfish o alamang na nakuha sa nabanggit na mga lugar dahil ang mga ito ay hindi ligtas sa pagkonsumo ng tao.

Ayon kay BFAR Director and Agriculture Undersecretary Eduardo Gongona, base sa resulta ng laboratoryo na ginawa ng ahensiya at ilang government unit, ang mga shellfish na nakukuha sa baybayin ng mga lugar na ito ay positibo sa paralytic shellfish poison sa ibabaw ng limitas­yon ng regulasyon. Ang mga naturang lugar ay ang mga sumusunod: Sual sa Pangasinan; Pampanga; Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal); Puerto Princesa Bay, Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Irong-irong, San Pedro, at Silanga Bays sa Western Samar.

Ayon pa sa BFAR ang Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte ay positibo rin sa lason ng red tide. (Riz Dominguez/Eileen Mencias)