Umabot na ang red tide sa Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kahapon, positibo na sa red tide toxin ang Lianga Bay kaya’t hindi dapat kinakain ang mga shellfish tulad ng talaba, tahong pati na ang mga alamang sa lugar. Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta siguruhing sariwa ang mga ito, lilinising mabuti at tatanggalan ng mga hasang at laman-loob bago lutuin.
Sa tala ng BFAR, may red tide pa rin sa mga sumusunod na lugar: Sual sa Pangasinan; Pampanga; Bataan; Puerto Princesa sa Palawan; Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Cancabatao Bay sa Tacloban City sa Leyte; Irong-irong, San Pedro, at Silanga Bay sa Western Samar.
Dagdag ng BFAR, ligtas pa rin sa red tide ang Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas at Bulacan sa Manila Bay. (Eileen Mencias)